Modus operandi - SM Manila

Discussion in 'Band of Glockers' started by New_comer, Nov 30, 2005.

  1. New_comer

    New_comer

    Messages:
    1,153
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Jun 29, 2003
    Location:
    Manila, Philippines
    Pinadala sa kin ito, share ko lang sa inyo. Pasensya na, all caps e. What would you have done?

    >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
    *SUBJECT: *BABALA SA MGA MAHILIG MAGSHOPPING SA SM MANILA SA HARAP NG MANILA CITY HALL...*DATE: *TUE, 22 NOV 2005 18:16:53 -0800*

    HINDI KO PO KAYO TINATAKOT. HINDI RIN PO ITO ISANG KWENTO LANG. HINDI PO ITO BIRO... ITO PO AY TOTOONG NANGYARI SA AKIN, SA ANAK KO, AT SA ASAWA KO.

    NOVEMBER 13, 2005 MORE OR LESS 3:00PM TO 4:00PM AT SM MANILA. NANDON PO AKO, KASAMA ANG PAMILYA KO SA SM DEPARTMENT STORE. DUN PO SA MADAMING LARUAN NATINITINDA. TOYS LIKE BIKE FOR BABY, STUFFED TOYS, ETC. I INSTRUCTED THE SALES CLERK TO GET THEIR STOCK FOR THE BIKE THAT I HAVE CHOSEN FOR MY BABY(1YEAR OLD BABY). AFTER THAT, TINESTING NAMIN ANG BIKE AND THEN BINAYARAN KO SA COUNTER.

    DITO PO NAGSIMULA ANG ISTORYA NG AKTONG NAGBABAYADNA AKO SA COUNTER.ISANGMEDYO MATANDANG BABAE ANG LUMAPIT SA AKIN, PINAGBINTANGAN NYA PO AKO NADINUKOT KO DAW ANG PERA NYA NA NAGKAKAHALAGA NGPHP 2,500.00(TWO THOUSANDFIVE HUNDRED PESOS). ANG SABI KO PO, "MRS, WAG HOKAYONG MAGBINTANG, DI KOHO MAGAGAWA ANG SINASABI NYO, MAY TRABAHO PO AKO,MAY PERA AKO, MALINISANGPAGKATAO KO, AT ISA AKONG INSTRUCTOR".AYAW HONG MAKINIG NUNG BABAE SA PINAPALIWANAGKO... DAHILAN UPANG LAPITANKAMI NG SECURITY GUARD AT IBA PANG CLERKS NG SMMANILA.

    DAHIL PO SAAYAW MANIWALA NG ALE SA AKIN, AT DAHIL POPINAGBIBINTANGAN NYA NGA AKO, NILABAS KO PO ANG PERA KO SA HARAPAN NYA. NUNG ARAW NA UN PO, MAY DALADALAAKONG PERA, 11,000.00 (ELEVEN THOUSAND PESOS) NANAKALAGAY PO SA LOOB NGZIPPER NG SINTURON KO. NILABAS KO PO LAHAT ATSINABI KO SA KANILA NA MAYPERA AKO, AT HINDI KO MAGAGAWA ANG IBINIBINTANGNYONG PANDURUKOT NG PERANYONA NAGKAKAHALAGA NG 2, 500.00. LALO PONG DUMAMI ANG TAO. PINAPUNTA POKAMISA OFFICE NG MANAGER NG SM NG SECURITY GUARD.

    ININTERVIEW NILA UNG NAG REREKLAMO, KINUHA NILA ANG SIDE KO. PINAPATUNAYANPO NG 2 SALES CLERK NG SM NA NAG ENTERTAIN SA AMINNA WALA KAMINGKASALANANDAHIL SA SIMULAT SIMULA NG PAGPUNTA NAMIN SA LOOBNG DEPARTMENT STORE AYSIYA NA ANG NAG ASIKASO SA AMIN.

    SA PALIWANAG PO NG ALE NA NAGCOCOMPLAIN, UN DAWPONG PAGKAKATUPI NG PERANYAAT NG PERA KO AY IISA KAYA LUMAKAS DAW PO ANGKUTOB NYA NA PERA NYA UNGHAWAK KONG PERA.

    TINANONG PA NGA PO NIYA AKO SA HARAP NG MANAGERKUNG MAGKANO ANG BINAYADKO.ANG SABI KO PO, 2000 (TWO THOUSAND PESOS PO) KC POANG PRESYO NG BISEKLETANG PAMBABY E MORE OR LESS 1,700 (ONE THOUSANDSEVEN HUNDRED PESOS) INCLUDING THE BATTERY. ANG SABI PO NG ALE, SIGE... ILABAS MOANG 500.00 (FIVE HUNDRED PESOS) KC 2,500 (TWO THOUSAND FIVE HUNDREDPESOS)LAHAT ANG PERA KO NA TIG LILIMANGDAANG PISO. NILABAS KO PO ANG ISANGLIBO (2 TIG 500.00) SABAYSABING SIGURO NAMAN PO E MANINIWALA NA KAYO NAHINDI AKO ANG TAONGNANDUKOTSA INYO... TATLONG LIBO PO KASI ANG NASA BULSA KO, WALONG LIBO NAMAN POANGNASA LOOB NG SINTURON KO... KUNG GUSTO NYO PO E BILANGIN NYO PA. PUMUNTALANG PO KAMI DITO SA SM PARA IBILI NG LARUAN ANGBABY NAMIN. ITO PONG PERANG DALA DALA KO E PAMPABINYAG NG BABY KO...

    AYAW PA RIN PONG MANIWALA NG ALE. PINALIWANAG NA DIN PO NG MANAGER NG SM NA HINDI PORKE AKO ANG HULING NAKITA NUNG ALENG NAGREREKLAMO E AKO NA ANG KUMUHA NG PERA, ANG DAMI DAMI KASING TAO SA MALL.NAGSALITA NA DIN PO ANGSALES CLERK NA TALAGANG SA SIMULAT SIMULA NGPAGPUNTA NAMIN SA SM E SIYANAANG KAHARAP NAMIN AT SIYA ANG NAG ASIKASO SA AMIN.SUBALIT KAHIT ANO PONGPALIWANAG ANG GAWIN SPECIALLY NG MGA TUMITISTIGO NA WALA AKONG KASALANAN ESARADO HO ANG TENGA AT AYAW MAKINIG NG ALE SA AMIN. DAHILAN UPANG SABIHINNG MANAGER NG SM NA KUNG HINDI MAAAYOS ANG PROBLEMA DITO SA LOOB E DADALHINNATIN SA PULIS.

    SUMANGAYON PO AKO NA DALHIN NGA SA PULIS UPANGMATAPOS NA, TUTAL E MAYRONNAMANG NAGPAPATUNAY NA WALA NGA AKONG KASALANAN. IREQUESTED THE MANAGEROFSM MANILA TO LET THE 2 SALES CLERK AND SECURITY GUARD BE WITH US AT THEPOLICE STATION. HABANG UMAALIS PO KAMI NG MALL, EMAY TINAWAGAN UNG ALE SACELLPHONE NYA, AT SA TONO NG PANANALITA NYA EPULIS ANG TINAWAGAN NYA NAMANGGAGALING PA SA CAMP CRAME. NAGTIWALA PO AKOSA MGA PULIS SA CITY HALLNG MANILA KASI NGA PO MAY NAGPAPATUNAY NAMAN NAWALA AKONG KASALANAN.

    PAGPASOK PO NAMIN SA PRESINTO, TINANONG NG PULISKUNG ANO ANG KASO.PINALIWANAG PO NUNG ALE. TINANONG PO NUNG PULIS KUNG ANO ANG PANGALAN KO, SINABI KO PO. ANO DAW TRABAHO KO, SABI KO PO E INSTRUCTOR NG MARINDUQUE STATE COLLEGE.

    LUMABAS PO UNG PULIS, SINAMA UNG 2 SALES CLERK ATSECURITY GUARD AT DOONKINAUSAP.

    PUMASOK PO ULIT UNG PULIS SA PRESINTO, PINUNTAHANUNG ALE SA INVESTIGATIONSECTION AT SINABI PO NA "MRS, MAHINA PO ANG KASO,HINDI PO YAN TATANGGAPINNG KORTE, WALA PO KAYONG EBIDENSIYA NA DINUKUTANKYO NG TAONG NIREREKLAMONYO."

    E HINDI PO, SABI NG ALE... SIYA LANG PO UNG TAONGNAKITA KO SA LIKOD KO NUNG MAWALA UNG PERA KO....

    "KAYA NGA PO, NAKITA NYO PO BA NA DINUKOT NYA NG ACTUAL UNG PERA NYO?"

    "HINDI PO..."

    "SO, WALA PO KAYONG KATIBAYAN NA DINUKUTAN NGA KAYO. AT ISA PA, MAY NAGPAPATUNAY PO NA WALANG KASALANAN UNG TAO..."

    "PERO, KUNG GUSTO NYONG MAGSAMPA NG REKLAMO, ESIGE, MAGPA IMBISTIGA KAYO... "

    "KUNIN MO ANG STATEMENT NG ALE..." SABI NYA DUN SAISA PANG PULIS...

    BIGLA HONG DUMATING UNG PULIS NA TINAWAGAN NUNGALE.

    TINAWAG PO NYA AKO, UNG SECURITY GUARD AT UNG 2 SALES CLERK UPANG KAUSAPINSA LABAS.

    LUMABAS PO AKO, NG AKTONG LUMALABAS PO AKO ESINITA AKO NUNG ISANG PULIS,"HOY! SAAN KA PUPUNTA?"

    "TINAWAG HO AKO NUNG PULIS NA KASAMA NUNG ALE"SABI KO...

    AH, OK... SABI NG PULIS...

    NUNG NASA LABAS NA PO KAMI, HINDI PO AKONAGSASALITA, HINAYAAN KO PO NAUNGMGA TESTIGO ANG MAGSABI KUNG ANONG NANGYARI...PAGKATPOS PO NON, KINAUSAPAKO NUNG PULIS NA KASAMA NUNG ALE... ANG SABI NYA"ALAM KONG WALA KANGKASALANAN, NAIINTINDIHAN KITA, GANITO NA LANG, IPAPALIWANAG KO SA IYOHA...""NANGYARI NA DIN KASI SA AKIN NA NAAGAWAN AKO NGKWINTAS NOONG ARAW, ATHINDI KO NA NAKITA UNG NANG AGAW." "ANG GUSTOKASING MANGYARI NG TITA KOEBAYARAN MO UNG PERANG NAWAWALA, KAHIT KALAHATILANG NG 2,500 PESOS ATHINDINA NYA ITUTULOY ANG KASO."

    NAPAIYAK PO AKO, AT SINABI KO SA KANYA NA ..."WALA NAMAN PO AKONGKASALANAN, AT MAY NAGPAPATUNAY NA NGA PO NA WALAAKONG KASALANAN, SIRNAMAN,ANG HIRAP HONG KITAIN NG PERA NGAYON, ANG HIRAP PONG BUHAY..."

    "E, MAHIRAP KA PALANG KAUSAPIN E... SIGE, KAUSAPINMO ANG TITA KO... KUNGMAY PERA LANG AKO E, AKO NA MISMO ANG MAGBABAYADSA KANYA, PAG KASI SINABINYA, E SINABI NYA TALAGA AT TALAGANG GAGAWINNYA..."

    PUMASOK PO AKO NG PRESINTO AT KINAUSAP KO NAMANUNG PULIS SA LOOB (BAUTISTAPO ANG NAME PLATE NYA). NAGULAT NGA PO AKO NGSABIHIN NYA NA "ANGMAITUTULONG KO LANG SA IYO E GANITO, ILABAS MO ANGPERA MO SA BULSA ATMAGTIRA KA LANG NG PAMASAHE NYO PAUWI PARA MATAPOS NA ITO"

    HINDI KO NA PO NAPIGILAN ANG SARILI KO AT TULUYANNA AKONG UMIYAK. UMIYAKNADIN PO ANG MRS KO, PATI NA DIN PO ANG ANAK NAMINNA ISANG TAONG GULANG PALANG.

    "SIR, ALAM PO NINYO NA WALA AKONG KASALANAN... MAY NAGPAPATUNAY NA NGA PODI BA?"

    "HINDI KO SINASABI NA MAY KASALANAN KA, GANITOHA... ISIPIN MO NA LANG PAGNATULOY ANG KASO, MAGBABAYAD KA SA ABOGADO,MAGBABAYAD KA SA GANITO,GANYAN,ETC. AT MAKUKULONG KA PA"

    "BAKIT PO AKO MAKUKULONG E MAY TESTIGO NGA AKO NAWALA AKONG KASALANAN?"

    "MAY REKLAMO KASI UNG ALE SA IYO... KUNG GUSTO MOE MAGMAKAAWA KA SA ALEPARA HINDI NA NYA ISAMPA UNG KASO..." SABI NIBAUTISTA

    "SIR, WALA PO AKONG KASALANAN, BAKIT AKO MAGMAMAKAAWA?"

    "MAKUKULONG KA TALAGA..." SABI NI BAUTISTA

    PAKIRAMDAM KO PO E PINAGKAKAISAHAN AKO NG MGA PULIS SA LOOB NG PRESINTO...

    BIGLA HONG MAY IPINASOK NA MGA KRIMINAL, NAHULI DAW NILA UN. ANG LALAKI PONG KATAWAN, APAT NA TAO AT ANG BABAHO PO NILA.

    SABI PO NI BAUTISTA, "ISA, DALAWA, TATLO, APAT, HABANG MINUMUSTRA SA DALIRI NYA SABAY TURO SA AKIN... IKAW ANG PANGLIMA...MAGSISIKSIKAN KAYO SA LOOB, KAWAWA KA JAN..."

    "SIR, WALA PO AKONG KASALANAN..."

    PINANGHINAAN NA PO AKO NG LOOB... AT DAHIL DITO, KINAUSAP KO NA PO ANGALE...

    HINIHINGAN NYA PO AKO NG 2500 PESOS, ANG SABI KO,"MRS, ALAM NAMAN PONINYONA WALA AKONG KASALANAN. ETO PO ANG 1000PESOS"

    "HINDI PWEDE, KAILANGAN E KAHIT 2000 PESOS , ANGYABANG MO KANINA SA SM DIBA? ANG DAMI DAMI MO NGANG PERA SA LOOB NGSINTURON E AKINA ANG 2LIBO"

    "MRS, 1500 LANG PO ANG KAYA KO, PAMPABINYAG KO POUNG PERA KO NA NANDITO, AT UUWI PA PO AKO NG MARINDUQUE NGAYONG GABI..."

    KINAUSAP NG ALE UNG PULIS NA KASAMA NYA, "ANO, BINIBIGYAN NYA AKO NG 1500 PESOS, OK NA BA UN? " SABI NG ALE.

    "OO, OK NA UN" SABI NG PULIS NA KASAMA NYA.

    "ANO, OK NA HO BA MRS? " SABI NI BAUTISTA

    "OPO SIR, OK NA PO..."

    "O, SIGE IBLOTTER NA NATIN ANG KASO"

    NAKASULAT PO DOON NA AKO AY NAGING SUSPECT AT ANGNAGREREKLAMO E HINDI NAINTERESADO NA MAGSAMPA NG KASO..

    PINAPIRMA PO NYA AKO PATI NA RIN ANG ALE NANAGPAKILALANG "ZENAIDAGONZALES"57 YEARS OLD AT EMPLEYADO DAW NG DECS. NAGPAKILALAPA PO SIYANG TAGAMARINDUQUE DIN, SA BARANGAY MAGAPUA MOGPOG, MARINDUQUE"

    PAGKATPOS KO PONG PUMIRMA, LUMABAS KAMI NG PAMILYAKO MORE OR LESS 7:00PM.ANG SABI PO NUNG ALE, SASABAY KAMI SA INYO...KINABAHAN PO AKO, BAKIT SIYA SASABAY SA AMIN SAPAG-UWI? ANO PA BA ANG GUSTONYA?

    HABANG KINAKAUSAP NG ALE UNG PULIS SA LOOB, ENAGLAKAD NA KAMI PALABAS NGPRESINTO. SINABI KO SA SECURITY GUARD AT 2 CLERKNA PAKIHATID NYO NAMANKAMISA PARADAHAN NG BUS PAPUNTANG CAVITE... AYAW KONGMAG TAXI, AYAW KONG MAGFX, ANG SABI KASI NG ALE E SASABAY DAW SILA SAAMIN... KINAKABAHAN AKO...SABI KO SA KANILA.... PLEASE NAMAN, IHATID NYOKAMI SA TERMINAL NG BUS...

    NILAKAD PO NAMIN FROM CITYHALL TO LAWTON TERMINALNG BUS PERO WALANGBIYAHENG CAVITE (PURO DASMARINAS, BATANGAS, ETC.)LAKAD ULIT KAMI TOQUIAPO, MALAPIT PO SA BASKETBALL COURT, THENHANGGANG MARATING NAMIN ANGLAWTON SA MAY SSS BUILDING...

    NG MAY DUMATING NA BUS, NAKAHINGA KAMI NG MALUWAGAT NAGPASALAMT KAMI SASECURITY GUARD AT CLERKS SABAY SABING "PAKISABI SAMANAGER NYO KUNG ANOMANANG NANGYARI... UNG TOTOONG NANGYARI..." MARAMINGSALAMAT SA INYO...HABANGTINITINGNAN KO ANG BISIKLETA NG BABY KO...

    KINAKABAHAN PA RIN PO KAMI HABANG NSA LOOB NG BUS,PERO ANG INISIP KO NALANG PO E KAHIT ANONG MANGYARI DITO SA LOOB NG BUSE MADAMING TAONGMAKAKAKITA... MADAMING TETESTIGO...

    KAYA, MGA KABABAYAN, KAIBIGAN, MAG-INGAT PO KAYOSA SM MANILA ... KUNGMAIPARARATING NYO PO SA MANAGEMENT NG SM MANILAANG EMAIL KO, MARAMINGSALAMAT PO. KUNG MAIPARARATING NYO PO KE TULFO,ITONG EMAIL KO, MARAMINGSALAMAT PO.

    GANYAN PALA SA MANILA, MAY TUMITISTIGO NA NGA WALAKANG KASALANAN...PERO...GANON PA RIN ANG GINAWA NG MGA PULIS NA TAGA CITYHALL NG MANILA...

    "BAUTISTA" YAN LANG ANG NAKAUNIFORM NA PULIS NOONG NOV. 13, 2005 SA CITY HALL NG MANILA...

    PAANO KUNG WALANG TUMESTIGO? SIGURO, LALO AKONG KAWAWA...

    IPARATING NYO PO ITO SA MGA KAIBIGAN NYO UPANGMAKAPAG-INGAT...

    MARAMING SALAMAT PO,

    LORIMER L. IMPERIO
    MARINDUQUE STATE COLLEGE INSTRUCTOR I
    >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
     
  2. 9MX

    9MX Rei!

    Messages:
    5,952
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Sep 29, 2003
    Location:
    Shooting
    no way will i settle. i'd call taurus or atty. jpl,steamed:

    if this story is true,kakahiya na naman ang pnp, lalo na yung nasa city hall, manila's finest pa man din;g
     

  3. charlie-xray

    charlie-xray Gunpowder Adik

    Messages:
    1,174
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Aug 11, 2004
    Location:
    Pugad Baboy
    MADE MY BLOOD BOIL:soap: :soap:

    Forwarded to 350 of my other office mate that are Filipinos, forwarded to my friend in PSG, waiting for reply.
     
  4. paltiq

    paltiq

    Messages:
    369
    Likes Received:
    1
    Joined:
    Oct 29, 2005
    totoo ito kasi malapit na ang pasko... dapat sa kabilang thread ito "bad experiences with the PNP"..

    ingat tayo lahat sa dami ng bagong modus operandi sa ngayung Holiday Season:)
     
  5. charlie-xray

    charlie-xray Gunpowder Adik

    Messages:
    1,174
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Aug 11, 2004
    Location:
    Pugad Baboy
    Buuiin na kaya talaga yung list of lawyers here, para naman puro pro-gun at bogs na ang magkaka-kilala magkatulungan na rin pagka oras ng gipit hindi man nga pro-bono ang bayad at least discounted fare man lang diba at during stagnant or waiting times ay may pagkukuwentuhan kayo ng kapwa bogs na interesting (ukol sa balil) diba kasi kung ibang abogado na wala naman kayong common interest eh! di boring habang nag-aantay kayo ng mga resulta.

    Numbers and timing, kahit i-pm na lang yung fees. Ako personally interesado dito kasi kung talagang mangyari sa akin yan ALL HELL WILL BREAK LOOSE kahit matandang babae yun bago pa makatawag yun baka basagin ko pagmumukha nun or worse. Kung makatawag man siya at nasa presinto na ako lahat ng kilala ko in the armed service baka matawagan at mabulabog ang hindi binubulabog.
     
  6. bikethief

    bikethief itchy trigger

    Messages:
    1,126
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Sep 28, 2005
    Location:
    Southside, Metro Manila
    I would have called my lawyer right away. Also the media. I would have taken names and made sure to file counter charges. They couldn't have put you in custody right there and then. No evidence. You could have walked out of the precint any time kasi you weren't under arrest. PUT@%#^%A nila! Mga tamad at walang silbe sa mundo.
     
  7. ego1911

    ego1911

    Messages:
    140
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Jul 31, 2005
    Location:
    Quezon City Philippines
    Another bad eggs for PNP;g If that will happen to me, they will never get even a single centavo from me. I will never tolerate their bulok system at sila ang ipapa kalaboso ko!!!!!!
     
  8. PMMA97

    PMMA97 TagaBundok

    Messages:
    1,745
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Nov 25, 2003
    Nice heads up! WALANG mag papa translate ha! ;f
     
  9. s.g

    s.g

    Messages:
    159
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Mar 13, 2003
    Location:
    Philippines
    Mga kapatid,

    Ako po ay may pagdududa sa naisalaysay na pangyayari, sa ganang hindi pa po ako nakakakita ng bisikleta na pang-1 year old.

    Yung lang po, at ingat pa din tayong lahat.
    :)
     
  10. 3kings

    3kings SalingPusa

    Messages:
    699
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Jan 4, 2005
    Location:
    Makati
    huh bicycle for a 1year old? isnt it he is just learning to walk at that age?
     
  11. horge

    horge -=-=-=-=- Lifetime Member

    Messages:
    3,068
    Likes Received:
    23
    Joined:
    Jan 22, 2004
    Location:
    almost home
    [​IMG]

    IIRC, I got pretty much the same txt message back in 2004.
    ;Q
     
  12. bulm540

    bulm540

    Messages:
    1,495
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Jun 18, 2004
    Location:
    TN
    sounds fishy, Probabaly another urban legend.
     
  13. riddler

    riddler

    Messages:
    1,196
    Likes Received:
    2
    Joined:
    Jan 19, 2001
    While I know that this is pure BS, I am sure that this scenario is plausible knowing the PNP and the pinoy mentality.

    All these could have been avoided if he used a credit card.
     
  14. royal glockster

    royal glockster

    Messages:
    588
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Mar 4, 2005
    Location:
    Pilipinas kong mahal
    huhuhu! i pity you mr new_comer! NADALE KA, kasabwat mga pulis doon. Your tactical error was that u let this "switik" old lady to have an idea that u have that much money (11,000 pesos). If i were you then, i would not allow those incident to reach to the police. Sa totoo lang bro, allergic na ako pagdating sa police investigation. My experience;

    1st. Way back in 1995, i was driving my old 1982 ford laser when i was bumped at the rear by a L300 van driven by an old veterinarian. Very clear kasalanan nya since nasa tamang lugar ako. Dating mga police traffice investigators then punta kami port area for statement daw dahil hindi kami nagkasundo kung sino talaga ang may kasalanan. Pumayag ako dahil insured naman ng "own damage" kotse ko. So, police report lang pwede na pa-repair kotse ko. Ang siste, pagdating doon ako pa ang hiningan ng pera ng mga kumag ng mga pulis na yun. Ako ang may kailangan ng pulis report kaya ako daw dapat magbayad. They asked Php250.00, no receipt. They did not demand from the old driver who bumped me dahil wala namang kailangang papel sa kanila and no damage ang sasakyan nya. The following day pa nila ako pinabalik dahil gagamitan pa ng typewriter ang report. Pagbalik ko hiningan ulit ako para daw sa typist. They mulchted another 100 pesos. Wala ako magawa, kailangan ko talaga police report. From then on, i promised to myself i will not deal with police officers anymore. Kahit wala ka kasalanan, kukutungan ka pa rin, lalo na malaman nila may pera ka.

    2nd. February this year, i was apprehended for traffic violation kuno, no right turn on red signal. Set-up talaga dahil tinakpan nila ng bahagya ang signage halos hindi makikita ng mga motorista. Mahaba ang pila ng mga nahuli nila dahil operation kutong talaga. I immediately apologized and introduced myself that like them, im also a "government man" but to no avail. They demanded my drivers license which
    very unfortunately i was not able to bring (2 wallet ko), i brought with me the wallet which contains license cards for my 4 firearms (buti na lang hindi ko pinakita baka lalo ma-antagonize). So, nagalit dahil driving without license daw ako. They wanted me to bring to the precinct for investigation and impound my car. I resisted and continue to plead with them and presented my government ID. STill,they insisted to arrest me even threatening to handcuff me. This time, i perspire heavily. You know what!!?, i had in my car trunk my CAR-15 5.56mm (licensed naman but no transport permit) which i just test fired at MDSA Binondo on that day. Whew!!! wala nako magawa but to make areglo with this "resourceful" policemen. I offered 500, they countered 1000 dahil 5 daw sila. Told them that 850 lang pera ko, they settled for Php800.00, tinirhan nila ako 50,hehe. Whew!!! again that was close. Sometimes,i told myself if the time comes and God forbids that if i shot someone even in the name of SELF-DEFENSE, i will not deal with the police. Pag may nakita silang maliit na butas, palalakihin nila yun.

    Kaya mga bro! sa panahon ngayon, kung tuso ang ma-encounter mo dapat mas tuso tayo,in order to survive!! sensya na,just my opinion lang po.
     
  15. New_comer

    New_comer

    Messages:
    1,153
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Jun 29, 2003
    Location:
    Manila, Philippines
    'Twas not me... ;g

    Received that from an acquaintance via e-mail. Pi-nass ko lang sa inyo.

    So far, the sentiments here range from sympathetic to outright cynical. Well, to each his own... ;)

    Me? I'm just surprised that such schemes still pervade today's society. Not that I trust the author of this warning, but it led me to imagine that should a false accusation unfortunately points OUR way... how would each of us react? Would one dismiss it haughtilly as if it were a bad joke? And for our legal luminaries here to share: how should we react if and when a false accusation befell us?

    Thanks all for your reactions.

    P.S. Di naman ako siguro ako iiyak na parang bata tulad ng ginawa ng 'bida' natin. ;)
     
  16. ppts799

    ppts799 Daisho

    Messages:
    2,235
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Oct 12, 2002
    sa sobrang inis sa situation, i just might ;Q :(
    just like experience ni royal glockster back in 1995, wala na ngang kasalanan, siya pa naglabas ng pera ...
     
  17. FAlvar

    FAlvar I love Iya

    Messages:
    185
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Oct 16, 2003
    Location:
    Sa Kanluran
    Ang hirap basahin. Tagalog na nga tange pa.

    Anyway, sounds like BS.
     
  18. Chie

    Chie

    Messages:
    586
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Jul 1, 2005
    i dont think its an urban legend because i am now listening to the victim on am radio dzxl, asking for the help of raffy tulfo!
     
  19. New_comer

    New_comer

    Messages:
    1,153
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Jun 29, 2003
    Location:
    Manila, Philippines
    Really? I'll tune in right now!
    ;P
     
  20. New_comer

    New_comer

    Messages:
    1,153
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Jun 29, 2003
    Location:
    Manila, Philippines
    Commentario na lang inabot ko. Pero mukhang tumawag nga yung victim! ;P