close

Privacy guaranteed - Your email is not shared with anyone.

Ang Sarap Maging Senador!

Discussion in 'Band of Glockers' started by charlie-xray, May 12, 2007.

  1. charlie-xray

    charlie-xray Gunpowder Adik

    Messages:
    1,174
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Aug 11, 2004
    Location:
    Pugad Baboy
    UTANG NA LOOB... VOTE WISELY! PAG-ISIPAN NAMAN PO ANG MGA CHOICES! ... maawa kayo sa mga TAXES na kinakaltas sa sweldo natin! hmmmp..

    ANG SARAP MAGING SENADOR!

    Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago , marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

    Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

    Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

    Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailangan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.

    Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

    Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

    Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

    Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

    Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

    ANG SARAP MAGING SENADOR ! ! !

    PLEASE FORWARD TO AS MANY OF YOUR FRIENDS AND LET THE WHOLE COUNTRY KNOW THAT ELECTION IS MORE OF PUTTING AMBITIOUS PEOPLE IN POSITION WHO ARE GREEDY IN POWER, WEALTH & PRESTIGE THAN OF PUBLIC SERVICE. ANG MASAKIT PA PERA NG BAYAN PARIN GAGAMITIN SA ELEKSYON MALUKLOK LANG ANG MGA BUWAYA SA PWESTO ;'-(

    KAYA SA SUSUNOD NA ELEKSYON, KUMANDIDATO NA RIN TAYO...
     
  2. Capt.Barbel

    Capt.Barbel Humanda sila!

    Messages:
    655
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Mar 16, 2006
    Location:
    barbel ni enteng
    wow! next election paghahandaan ko na tumakbo for senator!:supergrin:
     

  3. theTactician

    theTactician

    Messages:
    940
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Jun 7, 2005
    Location:
    underneath your bed
    how much capital do you need to invest in this kind of business of becoming a senator in the philippines?:)
     
  4. Darna

    Darna Ding ang Bato!

    Messages:
    240
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Mar 17, 2006
    500 million petot and above!:supergrin:
     
  5. maskytrading

    maskytrading

    Messages:
    355
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Dec 20, 2006
    Location:
    Philippines
    Congressman is ok with me.
     
  6. ALLAN PENEYRA

    ALLAN PENEYRA

    Messages:
    68
    Likes Received:
    0
    Joined:
    Apr 21, 2006
    Location:
    QUEZON CITY, PHILIPPINES
    bgy. tanod nga dito samin ang lalakas ng mangotong e,hehehe..:rofl: