close

Privacy guaranteed - Your email is not shared with anyone.

Welcome to Glock Talk

Why should YOU join our Glock forum?

  • Converse with other Glock Enthusiasts
  • Learn about the latest hunting products
  • Becoming a member is FREE and EASY

If you consider yourself a beginner or an avid shooter, the Glock Talk community is your place to discuss self defense, concealed carry, reloading, target shooting, and all things Glock.

TRA-LALA-LALA...HOSANA in the HIGHEST!

Discussion in 'Band of Glockers' started by pogi, Dec 3, 2007.

  1. pogi

    pogi Nuon

    1,537
    0
    Jan 23, 2006
    KYUSEE
    Meron akong protege-kaibigan
    Tulad ko, pangarap nya bayan paglikuran
    Salot siya sa yamang kailangan
    Kaya kami’y umisip ng paraan.

    Isang gabing tahimik
    Kami’y gumawa ng gimik
    Simpleng-simple walang ipinag-iba
    Sa style na nagluklok sa inyong aba.

    Sa lungsod na kadaming dayuhan
    Isang mamahaling pansitan
    Kanilang pinalibutan
    Upang karainga’y ipag-hiyawan-pakinggan.

    Siyempele, hini yun totoo
    Sikat kami todo-todo akyen dinig sabi akin katoto
    Pak sila palibot soldiyer
    Op kors hands up agad in the air.

    Kahit nakakulong, mission accomplished
    Kilala agad ireng mabangis
    Ang posisyong talagang ninanais
    Luklok agad walang kasing-bilis.

    Ang problema na labis kong pinag-iisipan
    Isa namang kaibigan nitong aking protégé-kaibigan
    Ang gusto’y biglang sumikat
    Same modus operandi kasama ang pangkat.

    Ano pa nga ba ang aking magagawa
    Isa namang sikat na lugawan kinubkob na bigla
    On the way to lugawan barkada’y niyayaya
    Walang sumama, nagmukhang kawawa.

    Di na bale, kanilang sabi, kasubuan na ire
    Sa lugawan sila kunwa’y nagkuble
    Sangdamukal na tsismoso kanilang nadiskubre
    Beli ngud, sabi sa sarili, sisikat ng libre.

    Labing-isang milyong katotong gustong mahakot
    Ni isa’y walang lakas ng loob sumagot
    Barangay-tagay na rumisponde sa sigalot
    Sangkatutak na sibuyas ang dinampot.

    Biniyak, inihagis sa mga putris
    Mga katoto naiyak ng labis
    Di pa nakuntento sa kahangalang ginawa
    Pati kariton ipinarada sa gitna.

    Hay naku, ang hiyaw ng idolo
    Ayokong masaktan ireng mga tsismoso
    Masakit man sa loob ko
    Hangga’t maaga’y suko na’ko

    Ganun lang?... tanong ng karamihan
    Paano na ang kanilang kahangalan
    Yan ba’y ala ng katapusan
    Lugmok na naman ang kalakalan.

    Paano na perwisyo sa pansitan
    At nawalang negosyo sa lugawan
    Di lang naman sila na-apektuhan
    Pati tayong masunuring mamamayan

    Kahit ako
    Ako…na simpleng tao
    Na ang hilig lang ay pumutok ng todo
    Dahil sa mga hunghang-ay apektado.

    AY HOS KO! Sasakit lang ireng ulo kong kalbo
    Pag inisip ko pa pinag-gagagawa nireng mga GA..
    Ako’y babati na lang sa inyo
    Ng isang MALIGAYANG PASKO!
     

  2. saki1611

    saki1611 BOG's #1611

    1,284
    0
    Sep 16, 2006
    Philippines
    Ano't ika'y nagwawangis sukdulan kay trillanes
    'Wag mag-alaala, panahon nya ay sasapit
    Buhok mong singnipis kanya ring titiisin....:faint:
     
  3. Eye Cutter

    Eye Cutter Moderator

    8,193
    1
    Nov 21, 2002
    Dr. B. Eye
    o, fafa kong kalbo, bakit naman ika'y apektado
    sa mga katoto mong may pansitan at lugawan?

    kunwari'y ang bayan ang ipinaglalaban...
    yun pala'y may tinatago ring pagnanais
    sa huli, magkukubli rin sa palda ng Misis.

    hayaan mo lang silang mga
    mapupusok ang damdamin,
    sa kanilang marahas na katapangan,

    yun pala'y, isa lamang kahunghangan,
    pupulutin rin pala sila
    sa kangkungan...

    bow...

    :supergrin:

    :whistling: :rofl: :tongueout:

    disclaimer: the sentiments are of the author only and does not convey any truthfulness of any kind. katuwaan lang po ito. walang mapipikon! bow, again! hahahahaha!

    :supergrin:
     
  4. pogi

    pogi Nuon

    1,537
    0
    Jan 23, 2006
    KYUSEE
    NYAHAHAHAHAHA!!!

    ikaw palang aking kaibigan
    na tanungan ko lahat ng tungkol sa gun
    ay isa rin palang ulirang makata
    na buong akala ko ay walang hilig kundi pulos PULOT-GATA

    I CLAIM: the views and opinion expressed therein in the major poem are those of the author and hereby claims that they are "originally" his own not fed by any "hunghang" or "buang". Those are product of his imagination and careful perusal of the preceeding and ensuing incidences. Everything said could be true except for the point that he is KALBO!
     
  5. mtho

    mtho

    2,853
    0
    Nov 18, 2005
    siguro kaya ka naapetuhan ,dahil pangalawang beses ka na nya muntik maabutan sa pansitan at lugawan.
     
  6. 9MX

    9MX Rei!

    5,952
    0
    Sep 29, 2003
    Shooting
     
  7. pogi

    pogi Nuon

    1,537
    0
    Jan 23, 2006
    KYUSEE

    WOW galing ni Spark.
    Di ko naisip yun.
    Kamuntik na...ga-buhok lang ang bwaka-nena.
     
  8. Eye Cutter

    Eye Cutter Moderator

    8,193
    1
    Nov 21, 2002
    Dr. B. Eye
    ay! katotong 9mx...
    yaon ay totoo!
    lalaki tayo, 'atapang 'ato!
    sa labanan, ala atrasan...
    Pero! at uulitin ko... Pero!
    pag aputol a u'ten,
    atakbo 'atulin

    :supergrin:

    :wavey:

    nyahahahaha!

    disclaimer: fafa kalbo! Steak ko! hahahahaha! happy birthday! hahahaha!
     
  9. batangueno

    batangueno Shock Resist

    4,804
    0
    Oct 1, 2002
    California
    Hindi ka lang pala pogi, makata ka pa. Dami mo siguro chicks nung kabataan mo pa noong mga 1920s. :)
     
  10. Eye Cutter

    Eye Cutter Moderator

    8,193
    1
    Nov 21, 2002
    Dr. B. Eye
    aba, aba, ang kakambal kong si batangueno...
    nagsulat ng katha, pero hindi makata!

    kapatid na mr. slim, hindi yan uubra...
    magagalit ang panot nating kasama!

    Bow!

    hahahahaha!
     
  11. mtho

    mtho

    2,853
    0
    Nov 18, 2005
    Paul,
    kahit hangang ngayon, witness ako, nalingat lang yung mama eh.......... di takot sa moro si mr.pogi
     
  12. PMMA97

    PMMA97 TagaBundok

    1,744
    0
    Nov 25, 2003
  13. st. matthew

    st. matthew c_w@_u_need_2_c

    1,440
    0
    Jul 8, 2005
    uyy hindi ko alam na mga rapper pala kayo, kelan lalabas album nyo:supergrin:
     
  14. pogi

    pogi Nuon

    1,537
    0
    Jan 23, 2006
    KYUSEE
    Alalaung baga, aking mataimtim na pinag-isipan
    Ang mukha nitong aking Doktor na kaibigan
    Kitang-kita ang pagkakahawig sa nawawalang kapteyn
    Kaya siya'y aking tuturingang...CAPT. MA-L-DIN!
     
  15. ahtsay

    ahtsay

    1,437
    0
    Jan 16, 2006
    Hinde ko kayo maintindihan eh....Merry Christmas nalang sa inyo :)
     
  16. Eye Cutter

    Eye Cutter Moderator

    8,193
    1
    Nov 21, 2002
    Dr. B. Eye
    o, fafa kong kalbo, bakit mo ako binansagang Kapitan Ma-L-Din???
    Ngayo'y pinaghahanap ng may kapangyarihan,
    may patong na isang milyon sa aking bumbunan???

    hindi mo ba alam, ika'y idol ko?
    ang sabi ng tatay ko,
    mag-ingat sa taong panot,
    matipuno ang tindig,
    at matinik sa chicks!

    akala ko naman, ika'y nakaka-tatlo pa,
    hayun pala...
    a-wan, a-two, a-three, POK! :shocked:
    tapos na!!!

    hahahaha!

    BOW!

    :tongueout:

    :rofl: :faint:

    disclaimer: eto po ay hindi haka-haka, pinagtapat po ito ni fafa pogi sa akin bilang kanyang personal na manggagamot! Dahil hanggang ngayon, wala pa ang Steak Ko!