close

Privacy guaranteed - Your email is not shared with anyone.

Payo at turo ng mga magulang...

Discussion in 'Band of Glockers' started by PMMA97, Aug 8, 2005.


  1. PMMA97

    PMMA97
    Expand Collapse
    MNSAmessdetail

    Joined:
    Nov 25, 2003
    1,743
    0
    Location:
    Subic Bay, Philippines
    Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil ng payo na nakuha ko sa aking mga magulang:


    1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
    "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

    2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
    "Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

    3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
    "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

    4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
    "Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine."

    5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY.
    "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

    6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
    "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!"

    7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
    "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!"

    8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
    "Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

    9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
    "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

    10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
    "Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"

    11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
    "Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"

    12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
    "Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

    13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
    "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

    14. At si Itay pa rin ang nagturo kay kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING.
    "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

    15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
    "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

    16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
    "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!" :)
     

    Wanna kill these ads? We can help!
  2. bokbok_05

    bokbok_05
    Expand Collapse

    Joined:
    Apr 24, 2005
    189
    0
    ;z ;z ;z . nag reminisced tuloy ako nung kabataan ko..hahahaha!
     

  3. doctabako

    doctabako
    Expand Collapse
    Gun Aficionado

    Joined:
    Aug 11, 2003
    1,164
    0
    Location:
    Philippines
    Good one ;f
    It is only when you have one of your own when you can understand what all the fuss was about while you were growing up :)
     
  4. mikol

    mikol
    Expand Collapse

    Joined:
    Apr 15, 2004
    1,424
    0
    Location:
    currently in saudi arabia (jeddah)
    +1 and i've seen it in "my mini me" mikol. napaka-kulit and very restless. siguro ganoon din ako ka kulit noong ako'y inakay palang.(parang aguila ang dating ano?) ;f ;e ;)
     
  5. Alexii

    Alexii
    Expand Collapse
    Janeway Forever

    Joined:
    Nov 14, 2001
    1,069
    0
    Location:
    Delta Quadrant
    ;z I'm saving that one. Thanks, PMMA97. ^c
     
  6. PMMA97

    PMMA97
    Expand Collapse
    MNSAmessdetail

    Joined:
    Nov 25, 2003
    1,743
    0
    Location:
    Subic Bay, Philippines
    Baka may mag pa-translate...baka ma Bantay Bata or 911 tayo ;f
     
  7. vega

    vega
    Expand Collapse

    Joined:
    Sep 29, 2001
    2,799
    0
    Location:
    SoCal
    Medyo mahaba-habang translation yan.

    vega
     
  8. 9MX

    9MX
    Expand Collapse
    Rei!

    Joined:
    Sep 29, 2003
    5,952
    0
    Location:
    Shooting
    ang turo naman sa akin ay ganire. pag may trolls sa BOG forum, just ignore them..pag abuso na or di mo na ma-take, post mo lang ire:
    [​IMG]

    ;z
     
  9. lakay7

    lakay7
    Expand Collapse

    Joined:
    Aug 13, 2005
    11
    0
    Location:
    Marysville, Wa
    That the way is was taught when I was a kid, and look what I turn out to be....?